-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tumaas pa ang bilang ng dengue cases sa probinsya ng Cotabato.

Sa datus ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) nagtala ng 221% ang kaso ng dengue sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dra.Eva Rabaya,dalawang bayan na sa probinsya ang isinailalim sa state of calamity dulot ng grabeng pagtaas ng kaso ng dengue.

Lomobo ang nagkakasakit ng dengue sa bayan ng Alamada at Banisilan at nangunnguna ngayon sa buong probinsya.

Dagdag ni Rabaya na ngayong taon ay maituturing na epidemya na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa North Cotabato kung ihahambing sa nakalipas na taon.

Sa pinakahuling datus na inilabas ng Department of Health (DOH12) abot na 4, 765 na ang bilang ng dengue cases sa probinsya ng Cotabato at labing anima ng nasawi na pumapangalawa sa may pinakamaraming bilang sa buong rehiyon.

Ang South Cotabato parin ang nangunguna na may 4, 784 na kaso at 12 patay,Sultan Kudarat na may 2, 314 na kaso ng dengue at 10 ang nasawi,Saranggani na may 1, 173 na kaso at anim ang namatay; General Santos City na nakatala ng 787 na kaso habang tatlo ang patay at Cotabato City na may 556 dengue cases.

Matatandaan na nitong unang buwan ng Agosto, ideneklara na ng Department of Health o DOH ang National Dengue Epidemic kung saan kaagapay ng DOH ang Disaster Risk and Reduction Management Council sa pagsugpo ng dengue.

Sa ngayon ay nirekomenda na ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC sa Sangguniang Panlalawigan na isailalim ang buong North Cotabato sa State of Calamity.