-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tumaas ang kaso ng Dengue sa Western Visayas sa 1st quarter ng 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Maria Lourdes Monegro, entomologist ng Department of Health (DOH)-Region 6, sinabi nito na umaabot sa 5,527 ang kaso ng Dengue sa rehiyon simula Enero 1 hanggang Abril 6.

Ang nasabing record ay mas mataas ng 159% kung ihahambing noong 2018 sa kaparehong period na may naitalang 1,126 na Dengue cases.

Batay sa datos, ang Aklan ang may naitalang pinakamaraming attack rate na umaabot sa 129 samantala ang Guimaras naman ang may pinakamataas na Dengue case increase na umaabot sa 1056%.

Umaabot na sa 33 ang namatay dahil sa Dengue at mas mataas ito kung ihahambing sa 14 na naitala noong 2018.

Sa tala ng DOH, ang Aklan ay mayroong 784; Antique na may 110; Capiz na may 713; Guimaras na may 104; Iloilo na may 1,043; Iloilo City na may 454; Negros Occidental na may 1,863; Bacolod City na may 377; at 79 naman ang nanggaling sa iba’t ibang lugar.