-- Advertisements --


TUGUEGARAO CITY- Posibleng ideklara ang dengue outbreak sa Batanes kasunod ng 19 na naitalang kaso sa lalawigan kung saan isa na ang nasawi.

Ayon kay Francis Patimo, coordinator ng Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office na naiparating na sa mga dengue program managers ang sitwasyon ng lalawigan kaugnay sa nakamamatay na sakit at ang posibleng pagdedeklara ng outbreak.

Nanawagan rin ang PHO sa mga munisipyo at barangay sa lalawigan na paigtingin ang kampanya kontra dengue lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso tulad ng Basco na nakapagtala ng 15, kung saan isa ang nasawi; dalawa sa Ivana at tig-isa sa Mahatao at Itbayat.

Karamihan sa mga naitalang kaso ay mga babae at ang pinaka-apektadong edad ay mula 0-9 na taong gulang.

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng province wide creek clearing at clean up activity ang pamahalaang panlalawigan bilang prevention and control measures sa sakit.