-- Advertisements --

ROXAS CITY – Posibleng ideklara ang dengue outbreak sa ilang lugar sa lalawigan ng Capiz dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nasabing sakit.

Ayon kay Dr. Samuel Delfin, provincial health officer, batay sa pinakahuling monitoring ng tanggapan, simula Enero 1 hanggang Hunyo 22, 2019, aabot na sa 1,856 na ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Capiz.

Pinakamaraming kaso ng dengue ang naitala sa Roxas City (353), sinundan ng Dao (197), Pontevedra (191), President Roxas (131), Tapaz (128), Ivisan (122).

Sinabi ni Delfin na nakaka-alarma ang pagtaas ng bilang ng Dengue cases sa probinsya.

Malaki aniya itinaas nito kumpara noong nagdaang taon na umabot lamang sa 211 sa kaparehong period.

Muling pinaalalahanan ni Delfin ang publiko na para maiwasan ang dengue ay kailangan na sundin ang 4S strategy ng ahensiya katulad ng Search and Destroy Mosquito Breeding Places; Secure Self-Protection; Seek Early Consultation; Support Fogging o Spraying sa mga hotspot areas.