ILOILO CITY – Umaabot sa 7,573 na mga pasyente ang naserbisyuhan ng Bombo Medico sa Iloilo Science and Technology University (ISAT-U) sa Burgos Street Lapaz Iloilo City.
Sa nasabing bilang, 927 ang nabigyan ng dental service, 1, 308 ang sa optical at 2, 384 ang medical.
Maliban dito, 2,954 ang nakatanggap ng ibat’ibang serbisyo kagaya ng pustiso, wheelchairs, crutches, walkers, eyeglasses, masahe, gupit, FBS, at capillary blood sugar.
Maliban dito, mayroon ring psoriasis awareness at dental education, at quantum health analyzer.
Patok rin ang ang kakaibang kids toy theraphy ng Philippine Army.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commanding officer ng 61st Infantry Battallion ng Philippine Army, sinabi nito ang naturang theraphy ay paraan ng militar upang mawala ang takot sa kanila ng mga bata.
Marami naman ang mga bata na natuwa kung saan nakatanggap ang mga ito ng laruan.
Mayroon ring libreng dextrose na ipinamigay ang Bombo Radyo Iloilo para sa mga dengue patients.
Ang nasabing paraan ay tulong ng Bombo Radyo sa mga pasyente kasunod ng dengue outbreak sa Iloilo.
Labis naman ang pasasalamat ng mga pamilya ng dengue patients sa tulong na ibinigay ng Bombo Radyo