-- Advertisements --

Mayroon umanong sapat na basehan para sampahan ng kaso si dating Department of Health (DoH) Sec. Janet Garin kaugnay sa isyu ng Dengvaxia vaccine na sinasabing mapanganib kapag naiturok sa mga batang hindi pa nadadapuan ng dengue.

Sa 127 pahinang resolusyon na may petsang Pebrero 11, 2019, sinabi ng DoJ panel of prosecutors na nag-imbestiga sa kasong mayroong probable cause para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Garin at 19 na iba pang opisyal ng Health department.

Kasama rin sa mga pinakakasuhan ang mga opisyal ng Food and Drugs Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicince (RITM) at Sanofi Pasteur Inc.

Nakalagay din sa resolusyon na nagkaroon ng “inexcusable lack of precaution and foresight” nang bilhin ang bakuna at ginamit ito sa school-based dengue mass immunization program ng pamahalaan.

Dagdag ng DoJ panel, nakitaan din ng sapat na basehan na nagkaroon ng iregularidad sa pagbili ng P3.5 billion na halaga ng Dengvaxia vaccine na batayan sa kasong reckless imprudence laban sa mga respondent.

Mga pinakakasuhan ng walong bilang ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide

Dr. Janette L. Garin
Dr. Vicente Belizario, Jr.
Dr. Kenneth Hartigan-Go
Dr. Gerardo Bayugo
Dr. Lyndon Lee Suy
Dr. Irma L. Asuncion
Dr. Julius A. Lecciones
Dr. Maria Joyce U. Ducusin
Dr. Rosalinda Vianzon
Dr. Mario S. Baquilod

Maria Lourdes Santiago, FDA
Melody Zamudio, FDA

Dr. Socorro Lupisan, RITM
Dr. Maria rosario Capeding, RITM

Carlito Realuyo, Sanofi Pasteur, Inc.
Stanislaw Camart, Sanofi Pasteur, Inc.
Jean Louis Grunwald, Sanofi Pasteur, Inc.
Jean Francois Vacherand, Sanofi Pasteur, Inc.
Conchita Santos, Sanofi Pasteur, Inc.
Jazel Anne Calvo, Sanofi Pasteur, Inc.

Ibinasura naman ng DoJ panel ang mga kasong isinampa laban kay Health Sec. Francisco Duque III, dating DoH OIC na si Herminigildo Valle at mga opisyal ng Zuellig pharma corporation.

Ligtas din si Duque sa reklamong obstruction of justice.

Dinismiss din ng DoJ ang reklamong paglabag sa anti torture act laban sa lahat ng respondent.