-- Advertisements --
polio vaccine baby WHO
“While there is no cure for polio, it can be prevented by vaccination” – WHO (photo by R. Taukarai)

VIGAN CITY – Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa kampanya nito sa bakuna sa kabila ng iniwang takot ng issue ng dengue vaccine na Dengvaxia sa publiko.

Ito’y kasunod ng pinaiigting ngayon na kampanya ng ahensya kontra sakit na polio.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Health spokesperson at Usec. Eric Domingo, panahon para mag-move on ang publiko mula sa naturang issue dahil ibang bakuna umano ang ginagamit sa hiwalay na sakit.

Malaki umano ang papel na ginagampanan ng publiko para tuluyang mahinto ang pagkalat ng mga sakit sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang anak.

Nagpaalala naman ang opisyal sa bawat isa na panatilihing malinis ang katawan at paligid nang hindi madaling mahawaan o ma-infect ng polio.

doh eric domingo
DoH spokesman and Usec. Eric Domingo

Narito pa ang dagdag na paliwanag ng World Health Organization o WHO ukol sa polio:

“Poliomyelitis is a highly infectious disease caused by a virus which, mainly affects children under five years of age. It is transmitted through contaminated food and water. Most infected people have no symptoms, but can transmit infection to others by excreting the virus in their faeces. Initial symptoms of polio include fever, fatigue, headache, vomiting, stiffness in the neck, and pain in the limbs. One in 200 infections leads to irreversible paralysis. Among those paralysed, 5% to 10% die when their breathing muscles become immobilized. While there is no cure for polio, it can be prevented by vaccination.”