-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang singer na si Denise Julia sa kaniyang mga abogado para ihanda ang kasong defamation laban sa celebrity photographer na si BJ Pascual.

Ibinunyag kasi ni Pascual sa isang podcast na ang singer ang siyang ‘worst’ na personality na kaniyang nakatrabaho.

Kinansela kasi nila ang naka-schedule na photoshoot isang gabi bago ito isagawa kung saan sinagot pa umano ni Pascual ang cancellation fee.

Nitong Disyembre 25 ay ibinahagi ng singer ang mga screen recording ng pag-uusap ng kaniyang manager na si John Vincent Salcdedo at manager ni Pascual na si Pearl Acuesta.

Giit ng singer na may personal na motibo si Pascual para pabagsakin ang kaniyang pangalan.