-- Advertisements --

Sinabi ni Denmark Prime Minister Mette Frederiksen kay U.S. President Donald Trump na hindi nito ibebenta ang Greenland sa United States of America.

Ito’y matapos ang kontrobersyal na suhestiyon ni Trump, na nagsabing ang pag-aari ng U.S. sa Greenland ay isang ‘absolute necessity’ at nagbanta na gagamit ng puwersang militar o economic force upang makuha ito.

Nangyari ang pag-uusap sa isang 45 minutong phone call kay Trump, kung saan binigyang diin ni PM Frederiksen ang tungkol sa estratihiyang kahalagahan ng pagkuha ng isla.

Taong 1721 ng makuha ng Denmark ang naturang isla. Sa mga sumunod na taon, naging isang kolonyal na teritoryo ng Denmark ang Greenland. Noong 1953, naging bahagi ng Kingdom of Denmark ang Greenland bilang isang bahagi ng Danish Realm, at hindi isang kolonya.

Noong 2009, nagkaroon ng makasaysayang hakbang ang Greenland nang ipasa nito ang isang batas na nagbibigay ng karapatan sa isla na magdesisyon tungkol sa kanilang kalayaan sa pamamagitan ng isang pampublikong botohan, kaya’t ito ay naging isang self-governing territory ng Denmark.

Kaugnay nito ipinaliwanag pa ni Frederiksen na ang hinaharap ng Greenland ay nasa mga kamay ng mga tao nito, kung saan sinabi ng Greenlandic Parliament chairman na si MĂște Egede na hindi ibebenta ang Greenland.

Binanggit din ni Frederiksen ang patuloy na kontribusyon ng Greenland sa seguridad ng U.S., lalo na sa pamamagitan ng kanilang ugnayan sa North Atlantic Treaty Organization (NATO), pati na rin ang kahalagahan ng Greenland sa seguridad sa Arctic.

Ang mga pahayag ni Trump tungkol sa Greenland ay nakatanggap ng mga kritisismo mula sa ilang sektor, na nagbabala na maaaring magdulot ito ng tensyon sa ugnayan ng U.S. at Denmark. Dagdag pa rito, itinaas nila ang mga alalahanin hinggil sa mga posibleng geopolitical consequences, lalo na sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng mga global superpower country.

Samantala, muling pinagtibay ni Greenlandic Parliament chairman Egede, ang kanyang suporta sa karapatan ng isla para sa kalayaan, bagamat ipinahayag niya ang hangarin na patuloy na makipagtulungan sa Estados Unidos ngunit aminado rin ito sa nakakabahalang tunggalian ng mga malalaking bansa na maaaring makaapekto sa hinaharap ng Greenland.