-- Advertisements --
Gagamitin na muli ng Denmark ang COVID-19 vaccines na gawa ng Johnson & Johnson at AstraZeneca.
Ito ay matapos ang ilang buwan ng pagtigil nila ng paggamit ng nasabing mga bakuna dahil sa iniiugnay nila ang mga ito sa kaso ng mga blood clotting.
Sinabi ni Denmark Health Minister Magnus Heunicke, mahalaga ang nasabing mga bakuna lalo na at hindi pa natatapos ang pandemic.
Wala rin aniyang malawakang data na sa buong mundo na nagkakaroon ng kaso ng blood clotting.
Nadiskubre ng mga otoridad na mas marami pang benepisyo ang mga bakuna kaysa sa dulot nitong perwisyo.