-- Advertisements --

Gumamit ang gobyerno ng Denmark ng mga robot na magsasagawa ng mga swab testing sa mga nagpositibo ng coronavirus.

Ito ay para maiwasan ang mga healthworkers na ma-expose sa nasabing virus.

Ayon sa mga researchers ng Southern University of Denmark (SDU) at Lifeline Robotics na posibleng sa mga susunod na mga araw ay maipapakalat na nila ang prototype swab robot.

Kailangan lamang magpakita ng ID ang pasyente kung saan agad na ihahanda ng robot ang mga sampling kit at ilalagay sa mga lagayan ang mga nakulektang samples.

Ang nasabing robot ay gumagamit ng camera para mahanap ang tamang bahagi ng lalamunan at ito dahan dahan na gumagawa ng swab testing.