-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng mga lider ng Denmark, Iceland at Norway ang desisyon ng Finald at Sweden na maging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sa inilabas na joint statement ng 3 bansa sinabi nila na mainit nilang tinatanggap ang nasabing deisyon ng Finland at Sweden.

Naniniwala aniya sila na ang desisyon ng dalawang bansa na sumali sa NATO ay isang desisyon na pang-soberanya at karapatan nila ang mamili ng kanilang security arrangement.

Magugunitang inanunsiyo ng Swedish government na desidido silang lumahok sa NATO.

Habang sina Finnish President Sauli Niinisto at Prime Minister Sanna Marin ay minamadali ang pagsali nila sa NATO.