-- Advertisements --
Tuluyan ng itinigil ng Denmark ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.
Pinangangambahan kasi nila ang napaulat na kaso ng blodd clotting.
Sila ang naging unang bansa na permanenteng tumigil sa paggamit ng nabanggit na bakuna.
Dahil sa desisyon ay maantala ng ilang linggo ang nasimulang vaccination rollout ng bansa.
Nagdesisyon din ang kanilang gobyerno na itigil ang paggamit ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine dahil sa parehas na kaso.
Nilinaw naman ng kanilang health officer Soren Brostrom na posibleng gamitin pa rin nila ang AstraZeneca sa susunod na mga taon kapag naging gumanda na ang kalagayan ng nasabing bakuna.