-- Advertisements --
Plano ng Denmark na magbigay ng tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccine sa iba’t-ibang bansa na idadaan sa COVAX global sharing scheme.
Ayon kay Prime Minister Mette Frederiksen na nakabili sila ng mga bakuna para kanilang mamamayan at ang iba ay kanilang idondonasyon.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa European Union Summit sa Brussels.
Paglilinaw pa nito na hindi pa sila nakapagdesisyon kung anong brand ng bakuna ang kanilang ibibigay na donasyon.
Magugunitang ang Denmark ang siyang unang bansa na pansamantalang nagpahinto sa paggamit ng mga bakuna na gawa ng AstraZeneca at Johnson & Johnson dahil sa kaso umano ng mga blood clotting.