-- Advertisements --

Ibinahagi ni Dennis Padilla sa kaniyang mga fans ang naging tagumpay nito matapos na dapuan siya ng COVID-19.

Sinabi nito na umabot sa 12 araw ang pananatili nito sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19.

Sa unang limang araw aniya ay tila susuko na ito at patuloy ang kaniyang pagdarasal.

Katuwang niya sa pagdarasal ang kaniyang mga anak na nagdasal para ito ay gumaling na.

Regular niya aniya nakakauspa ang mga anak kung saan hindi sila tumigil sa pagdarasal hanggang ito ay tuluyang gumaling.

Patuloy itong nagpapalakas sa kaniyang tahanan at pinaghahandaan ang paggawa ng pelikula.