Labis ang sama ng loob ng komedyanteng si Dennis Padilla matapos ang hindi tamang pagtrato ng anak niyang si Claudia.
Sa social media account nito, ibinahagi niya ang pagdalo sa kasal ng anak nitong si Claudia sa nobyong si Basti Lorenzo.
Saad nito na tila nabudol siya dahil imbes na ang pagtrato sa kaniya bilang ama ng bride ay naging bisita na lamang ito.
Dagdag pa nito na wala itong naging papel sa kasal kahit na imbitasyon ay hindi rin ito pinadalhan.
Ilan sa mga fans at kaibigan ng komediyante ang nagpahayag ng pakikisimpatiya at pinalakas na lamang ng loob nito.
Si Claudia ay anak ng komedyante sa actress na si Marjorie Barretto.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay masayang ibinahagi pa ng actor ang reunion nila ng tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon.