Umaasa si Dennis Padilla na ang kanyang bagong partner na ang inilaan ng Diyos para maging kanyang “forever.”
Sa isang panayam, inilarawan ni Padilla na nasa “last card” na kasi siya ng kanyang buhay kung saan 58-anyos na siya.
Nabatid na 35-anyos pa lang ang kanyang kinakasama ngayon na isang Filiipina-Australian na si Linda Gorton, ngunit hindi raw naging isyu kailanman ang kanilang 23-year age gap.
Kuwento ni Dennis, “give and take” sila ni Linda kung saan kailangan ng mahabang pasensya sa kanya dahil sa career bilang artista, habang siya ay kinokontrol naman ang temper.
“Kailangan niya ng mahabang patience. And on my part, I’lI have to control my emotions a lot of times kasi I’m getting older na rin,” saad nito sa pep.
Sa ngayon ay mayroon dalawang anak sina Dennis at Linda na edad apat at walong taong gulang.
Si Linday naman ay mayroon na ring unang anak, habang si Padilla ay proud father sa lima pa niyang anak kabilang si Julia Baretto sa ex-wife na si Marjorie.
Ang 58-year-old actor ay tampok sa Metro Manila Film Fest comedy entry na “Pakboys: Takusa.”