-- Advertisements --

Buo ang tiwala ng dating NBA star na si Dennis Rodman na sa basurahan ang bagsak ng kinakaharap na reklamong pananakit sa Delray Beach, Florida noong nakaraang linggo.

Magugunitang naghain ng complaint si Jeff Soulouque, na habang nasa isang kasiyahan siya kung saan nandoon din ang dating Chicago Bulls players ay nilapitan at sinampal daw siya ni Rodman ng dalawang beses sa mukha.

Ayon kay Dennis, gumagawa na ng hakbang ang kaniyang mga abogado para depensahan ang kanilang mga argumento.

Gusto pa sanang magkwento ng basketball star ngunit minabuti nitong manahimik muna habang hindi pa natutuldukan ang usapin. (TMZ)