Halos isang linggo mula nang “bitinin” ang mga fans, kumpirmadong official husband and wife na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Ito’y matapos mismong ang 34-year-old actress at 40-year-old actor ang nagbahagi ng mga detalye hinggil sa kanilang low-key civil wedding ceremony.
Sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog, ginanap ang pag-iisang dibdib sa gazebo area ng studio ng young actress na si Kathryn Bernardo sa Quezon City.
Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ng newly wed ang imbitado sa kasal na tumagal lang umano ng isang oras.
Kabilang dito ang kapwa 13-anyos na nilang mga anak kung saan si Alex Jazz ay anak ni Jennyln sa aktor at ex-boyfriend na si Patrick Garcia, habang si Calix ay anak ni Dennis sa beauty queen ex-partner na si Carlene Aguilar.
“Twinning” sina Dennis at Jen sa kanilang all-white suit ng designer na si Edwin Tan.
Una rito, agad inulan ng “best wishes” greeting ang dalawa matapos mai-post ng bride ang wedding picture na kanya ring binura pero mabilis na nakapag-screenshot ang mga netizen
Kamakailan lang nang mag-propose na ng kasal si Trillo kay Mercado matapos ang halos walong taon bilang magkasintahan kasabay ng anunsyo na magkaka-baby na sila.