Ibinahagi ng aktor na si Dennis Trillo ang napanalunang cash prize mula sa natanggap nitong Best Actor Award sa 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL’s).
Sa social media account ng manager ni Dennis na si Jan Enriquez, masaya nitong shinare sa publiko kung paanong si Dennis at ang misis nito na si Jennylyn Mercado ay nagdonate ng buong halaga ng cash prize na nakuha niya mula sa awards night noong December 27.
Kwento niya sa kaniyang post, siya ang naatasang tumanggap ng cash prize ng aktor na agad naman daw niyang inabot kay JC Rubio na may koneksyon sa mga grupo ng PDL kung saan hango at inspired ang ‘Tree of Hope’.
Sa huli ay nagpasalamat ang manager ng aktor sa kabutihang taglay nito kung saan talagang naisabuhay ni Dennis ang aral na kanilang tinatampok sa kanilang film na ‘Green Bones’.