-- Advertisements --
Nagpasya na ang negosyateng si Dennis Uy na hindi na niya tatanggpin ang bayad sa kaniya ng gobyerno sa paggamit ng kaniyang dalawang pampasaherong barko para gawing quarantine facilities ng mga suspected COVID-19 patients.
Sinabi nito na hindi lamang siya ang nagdesisyon dahil kaniya itong isinangguin sa ibang mga shareholders ng kompaniya.
Dagdag pa nito na gagamitin na lamang niya ang kaniyang sariling pera sa mga gagastusin sa paggamit ng kaniyang barko.
Nauna rito umani ng batikos matapos ang lumutang ang usapin na rerentahan ng gobyerno sa pamamagitan ng DOTr sa halagang $35 million ang dalawang barko na pag-aari ni Go.