-- Advertisements --

Kontrolado na ni Davao-based tycoon Dennis Uy ang pinakamalaking natural gas venture na Malampaya gas field sa Palawan.

Ayon sa Shell Philippines Exploration B.V. na ibinenta nila ang 45% share sa Service Contract sa Malampaya deep water gas-to-power sa Udenna Corp ang kumpanya ni Uy.

Mayroon ng 45% na stake ang hawak ni Uy habang ang natitirang 10% ay mula sa Philippine National Oil Corp.

Nagkakahalag ito ang nasabing transakyon ng $380 milyon na may karagdagan bayad ng aabot sa $80 milyon sa pagitan ng 2022 at 2024.

Dahi sa kontrata ay papayagan si Uy na pangasiwaan ang proyekto kung saan pinag-interesan din ito ng ilang mga kilalang negosyante na sina Ramon Ang at Manuel V.
Pangilinan.

Bukod sa mayroong malaking bahagi sa Malampaya si Uy, pag-aari din nito ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc.