Lumagda ng kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at United States Agency for International Development (USAID) para sa pagtatayo ng ilang climate resiliency projects sa bansa.
Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, target dito na mapatatag ang kampanya ng pamahalaan laban sa climate change.
Kinapapalooban ito ng kolaborasyon ng dalawang ahensiya para sa capacity building at development program sa mga LGU, promosyon sa kampanya laban sa pagbabago ng panahon, atbp.
Nakapaloob sa naturang partnership ang limang taong pagtutulungan sa pamamagitan ng P836.5 million ($15 million) na pondo.
Kabilang sa mga target ng DENR na lugar na makikinabang dito ay ang Batangas, Borongan, Cotabato, Iloilo, Legazpi at Zamboanga. Ang mga ito ay tatawaging Climate Resilient Cities (CRC).
Ang mga naturang lugar ay inaasahang mag-adopt ng mga climate-resilient projects na inaasahang makakapag-mitigate at lalaban sa labis na epekto ng pagbabago ng klima.
Nakahanda naman ang DENR-USAID na magbigay ng technical at financial inputs sa mga naturang LGU upang magamit sa mga naturang proyekto