-- Advertisements --

Lumikha ng anti-pollution task force ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mapabilis ang rehabilitasyon ng coastal at marine ecosystem ng Manila Bay.

Batay sa kautusang itinakda noong Enero 26, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na bubuuin ang Manila Bay Anti-Pollution Task Force ng mga sumusunod na opisina:

Manila Bay Coordinating Office
River Basin Control Office
Pasig River Coordinating and Management Office
National Water Resources Board
Laguna Lake Development Authority
at Environmental Management Bureau sa Region 1, 3, 4-A at ang National Capital Region

Sisiguruhin ng task force na susunod sa kanilang sewerage systems ang government facilities, residential at commercial establishments, maging mga commercial centers sa loob ng Manila Bay region.

Babantayan din ng task force ang pagpapatupad sa probisyon ng Clean Water Act.

Responsibilidad din nito ang pag-iinspeksyon sa sanitary landfills sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon na makaaapekto sa Manila Bay.

Pangungunahan ni Undersecretary for Solid Waste and Local Government Units Concerns Benny Antiporda ang lahat ng mga hakbang para sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng Manila Bay.