-- Advertisements --
NAGA CITY – Ikinalungkot ng Daepartment of Environment and Natural Resources (DENR) Camarines Sur sa pagpanaw ng dating DENR Secretary Gina Lopez.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bonifacio Azur, tagapagsalita ng naturang tanggapan, sinabi nitong isang magandang halimbawa na ipinakita ng dating kalihim ang pangangalaga sa kapaligiran.
Ayon kay Azur ito ang isa sa iniwang legasiya ng dating opisyal na dapat ipagpatuloy ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan.
Sa kabila nito, naniniwala si Azur na sa pagkawala ni Lopez, mayroon paring susunod sa yapak nito na handang ipaglaban ang iba’t ibang environmental issues.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang DENR-CamSur sa naulilang pamilya ng kalihim.