MANILA – Dumepensa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos lumabas sa isang pag-aaral na Pasig River ang “pinaka-maduming ilog” sa buong mundo.
“We cannot accept Pasig River is number one all over the world,” ani Environment Usec. Benny Antiporda sa isang press briefing.
“We’re not saying that everything is wrong. Indeed, merong tama. But when it comes to the conclusion, I can categorically say it’s wrong.”
Kinwestyon ng opisyal ang method ng pag-aaral, pati na ang mga datos na pinagbasehan.
Ayon kay Antiporda, na tagapagsalita ng ahensya, bigo ang international scientists na ipakita ang tunay na sitwasyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng DENR.
Hindi raw patas na ang pinagbasehan lang ng mga nag-aral ay ang geographical data at bilang ng mga nakatirang informal settlers malapit sa ilog.
“The major study used a probabilistic approach. Probabilistic po, hindi po data-based approach ang ginamit.”
RESULTA NG PAG-AARAL
Sa ginawang pag-aaral ng Netherlands-based organization na Ocean Cleanup, lumabas na 80% ng plastic pollution sa karagatan ang galing sa Pilipinas.
Bukod sa Pasig River, 18 na iba pang ilog sa bansa ang kasali sa kanilang listahan ng “top 50 polluting rivers in the world.”
Kabilang na rito ang:
• Tullahan River (2nd)
• Meycauayan River (5th)
• Pampanga River (6th)
• Libmanan River (7th)
• Rio Grande de Mindanao River (9th)
• Agno River (10th)
• Agusan River
• Paranaque River
• Iloilo River
• Imus River
• Zapote River
• Cagayan de Oro River
• Davao River
• Malaking Tubig River
• Tambo, Pasay (Storm drain)
• Jalaur River
• Cagayan River
• Hamulauon River
“The researchers designed a tool to track plastics flowing into the oceans, which calculated that 454 ‘very small’ rivers contribute 25 percent of global annual emissions, while 360 ‘small rivers’ make up 24 percent of emissions.”
“One hundred sixty-two (162) ‘medium rivers’ are responsible for 22 percent of emissions, while 18 ‘large’ and six ‘very large’ rivers contribute to two percent and one percent of plastic emissions respectively. Other rivers of varying sizes contribute to 26 percent of the pollution.”
Ayon sa Ocean Cleanup, mula sa 1,656 na ilog sa buong mundo na nagtatapon ng plastic waste sa dagat, 466 ang galing sa Pilipinas.
Katumbas daw nito ang 356,371-metric ton ng basurang plastic kada taon.
Ang Pasig River na una sa listahan, nagtatapon daw kada taon ng 63,000-tonelada ng plastic waste.
“The study suggested to have a targeted approach to drastically reduce the world’s river plastic emissions.”
Nakalathala sa peer-reviewed journal na Science Advances ang pag-aaral.
TUGON NG DENR
Iginiit ni Antiporda na hindi nagkulang ang Environment department sa pagtugon sa problema ng mga basura sa dagat.
Simula raw 2019, pinalakas ng DENR ang kampanya nito para maprotektahan ang mga ilog mula sa mga itinatapong basura.
Kabilang na raw dito ang pagpapasara sa 335 illegal dumpsites, pagbubukas ng dagdag na sanitary landfills, pagtatayo ng material recovery facility, at pamamahagi ng shredders at composters sa lahat ng LGU’s sa paligid ng Manila Bay.
Higit 20 local government units na rin daw ang may aprubadong 10-year Solid Waste Management Plan, na mandato sa ilalim ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
“Data from the DENR-EMB showed that 558 SWMPs are currently under evaluation, 332 of which are almost finished pending the submission of additional data mostly involving budgetary requirements and specifics on proper final disposal facilities.”
Bukod dito, may binubuo na rin daw na National Plan of Action for the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter ang mga ahensya ng pamahalaan.
Magsisilbi umano itong gabay para mapalakas pa ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan kaugnay ng resource at waste management, partikular na sa mga basurang itinatapon sa dagat.
PASIG RIVER REHABILITATION
Pagdating naman sa rehabilitasyon ng Pasig River, sinabi ni Antiporda na aktibong kumikilos ang mga nakatalagang opisyal para sa tuloy-tuloy na paglilinis ng ilog.
Sa ngayon may higit 100 environmental aides na raw na tumutulong sa paglilinis at pagpa-patrolya sa paligid ng 27-kilometer na Pasig River.
May mga ikinabit na rin daw na bamboo at net trash traps sa mga ilog at estero na nakakabit dito, para masala ang mga basura at hindi lumusot ng Pasig River at Manila Bay.
Simula Pebrero hanggang Disyembre 2020, aabot daw sa 216,000 na sako o 7-tonelada ng basura ang nalikom mula sa Pasig River.
“From January to May 2021, the regular clean-up operations conducted amassed a total of 136,564 sacks or 4,096,920 kilograms of solid wastes intercepted.”