Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources ang publiko na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang ng ‘Arbor Day’ ngayong araw sa bansa.
Ang nasabing ‘Arbor’ ay isang latin na salita na nangangahulugang tree o puno.
Ipinagdiriwang ang Philippine Arbor Day tuwing ika-25 ng Hunyo batay sa Proclamation No. 643 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Hunyo 9, 2004.
Layunin nito na maitaguyod ang kahalagahan ng pagtatanim, pangangalaga sa mga puno at gayundin sa kapaligiran.
Dahil dito nag organisa ang DENR ng nationwide simultaneous Tree Growing Activity at ito ay magaganap sa 200 sites nationwide.
Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng nasabing ahensya sa ating mga kababayan hinggil sa kahalagahan ng mga puno sa ating bansa upang matugunan ang problemang dulot ng climate change.