-- Advertisements --

Hinimok din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na makiisa sa pag-obserba ng Earth hour ngayong araw ng Sabado, Marso 22.

Ayon sa ahensiya, ang Earth hour ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatay ng mga ilaw kundi isang paninindigan din sa pinaka-mahalagang resource ng ating planeta na tubig. Ang Earth Hour nga ngayong taon ay nakasentro sa temang “Switch Off and Secure Water for All”.

Ngayong araw, dakong alas-8:30 ng gabi, makikiisa ang milyun-milyong tao sa buong mundo sa pagpapatay ng tubig para maitaas ang kamalayan sa water conservation o pagtitipid ng tubig at climate action.

Ipinunto ng DENR na “every drop counts and every action matters”. Mula sa pagprotekta sa ating mga kagubatan at watersheds para mabawasan ang nasasayang na tubig, mayroon tayong tungkulin para ma-secure ang malinis na tubig para sa mga hinaharap na henerasyon.

Kaugnay nito, hinimok ng DENR ang lahat na makiisa sa Earth Hour ngayong taon na magpatay ng ilaw, magtipid ng tubig at protektahan ang hinaharap.