-- Advertisements --

Ikinabahala ng Department of Environment and Natural Resources ang nagpapatuloy na krisis sa problema ng mga plastic waste sa bansa.

Hindi pa rin umano kasi nawawakasan ang kinakaharap na pagsubok pagdating sa pagsugpo ng mga basurang plastik na mula sa pinaggamitang mga pakete ng iba’t ibang produkto.

Ibinahagi mismo ni Secretary Maria Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources, ang krisis na ito ay dapat umanong matugunan dahil ito ay lubos ng nakaaapekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Aniya, pati ang pambulikong kalusugan ay apektedo na din dahil sa hindi mapigilang problemang ito ng basura.

Ibinahagi pa ng naturang kalihim, ang Pilipinas ay tinaguriang isa sa mga may pinakamalaking kontribusyon ng mga basurang plastik sa buond mundo.

Kung saan, tumataginting sa 2.7 million metric tons ng plastic waste ang naitatala kada taon.

Paliwanag niya, kaya tayo ay itinanghal kasama sa mga top contributors ng marine plastic pollution globally ay dahil umano sa pagdiretso ng mga basura sa karagatan ng bansa.

‘The Philippines generates approximately 2.7 million metric tons of plastic waste each year. Tragically, a significant portion of this waste finds its way into our oceans, placing our country among the top reported contributors to marine plastic pollution globally,’ ani Secretary Maria Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources.

Samantala, iginiit naman ng undersecretary ng naturang kagawaran na si Undersecretary Jonas Leones, na dapat makalikha ng mga epektibong polisiya hinggil sa pagsugpo ng krisis sa plastic waste ng bansa.

Sapagkat aniya, may mga ipinatutupad ng batas sa Pilipinas ngunit kulang at hindi umano sapat ang isinasagawang enforcement sa implementasyon ng mga nito.