-- Advertisements --

Inaasahan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang $278 milyon o katumbas ng P15.5 billion na halaga foreign-funded projects biodiversity at climate change programs.

Layon nito na palakasin ang ang environmental resiliency at sustainability sa mga local government units.

Sa isang pahayag, sinabi ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga ang pangangailangang makakuha ng pondo mula sa ibang bansa upang matugunan ang mga kakulangan sa pananalapi sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkalikasan sa bansa.

Ayon kay Loyzaga, sa pamamagitan ng estratehikong pakikipagsosyo sa mga multilateral at bilateral na institusyon, matutugunan aniya ang mga isyu sa kapaligiran nang mas mahusay at mas epektibo.

Kabilang sa mga bansa na nagbigay ng naturang grants ay ang Japan, Australia, United States, South Korea at Canada.

Binigyang-diin din rin ni Loyzaga ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government, Department of Finance, Department of Health, Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of Agriculture, Department of Science and Technology, at iba pang ahensya sa isang ” whole of government ” approach upang mapabilis ang mga programa ng LGU .