-- Advertisements --
image 153

Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang search ng most improved ‘estero’ sa Metro Manila.

Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa kalakhang lungsod.

Sinabi ni DENR National Capital Region Assistant Director for management services Erlinda Daquigan na kabilang sa pamantayan sa pagtukoy ng mga nanalo ay ang solid waste management, liquid waste management, informal settlers, mga pamilya at illegal structures management.

Gayundin ang habitat at resource management at ang sustainability at partnership management.

Sinabi ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan na mayroong hindi bababa sa 273 estero sa Metro Manila.

Ang most improve estero search ay tatakbo hanggang Pebrero 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Environmental Awareness Month.

Ang awarding ceremony naman ay gaganapin sa March 22, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng World Water Day.