Inanunsiyo Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanilang kinansela ang kasunduan noong 2022 sa Blue Star Corp. ang kumpanya na nagde-develop ng Masungi Georeserve.
Ayon sa DENR na kanilang sinulatan ang may-ari ng kumpanya na si Ben Dumaliang dahil sa ‘illegality’ ng nasabing kontrata.
Ilan sa mga inilahad ng DENR ay ang kulang ng Presidential Proclamation na ang kontrata ay para sa housing.
Wala ring dokumento na nagpapatunay na ang constructions ay dumaan sa regular na bidding process.
Bigo rin ang kumpanya na mag-delivers ng 5,000 unit Garden Cottages housing project sa loob ng limang taon mula ng pirmahan ang kontrata noong Nobyembre 15, 2022.
Sinabi naman ni DENR Assistant Secretary for Legal Affairs Norlito Eneran, na dahil sa cancellation letter nila ay inaatasan nila ang Blue Star na lisanin ang lugar sa 300 hektarya kung saan matatagpuan ang Masungi Geopark area.
Mayroon umano ang kumpanya ng 15 araw na lumisan pagkatanggap ng sulat.