-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nababahala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos napasama ang Pilipinas sa talaan ng top 50 polluting rivers in the world.

Napag-alaman na sa ginawang pananaliksik ng Ocean Cleanup in the journal Science, 80% ng ocean plastic pollution ay nagmula sa Pilipinas.

Kasama na rito ang Iloilo River sa Iloilo City at Jalaur River sa Iloilo Province, Pasig River at 16 na iba pang mga ilog sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Noel Hechanova, pinuno sang Iloilo City Environment and Natural Resources Office, sinabi nito na pag-aaralan pa nila kung paano napasama ang mga ilog sa lungsod at iba pang bahagi ng bansa sa may pinakamaraming plastic pollution.

Napag-alaman na ang world’s most polluting river ay ang 27-kilometer Pasig River kung saan 63,000 tonelada ng plastic ang inaanod mula dito papunta sa dagat.