-- Advertisements --

Naglagay na ang Department of Environment and Natural Resources ng mga flag sa palibot ng bulkang Kanlaon upang magsilbing marker sa permanent danger zone nito.

Ito ay isa sa mga hakbang ng ahensiya upang mabantayan ang kaligtasan ng publiko at agad silang mabigyang-babala kapag naabot na nila ang mga lugar na ikinokonsiderang mapanganib dahil sa anumang aktibidad ng bulkan.

Ito rin ang unang flag installation na ginawa ng DENR sa PDZ ng bulkang Kanlaon.

Ayon sa ahensiya, susundan pa ito ng mas maraming flag upang magiging mas visible o mas madaling mapansin ng mga residente o mga bibisita sa naturang bulkan.

Una nang inirekomenda ang pagbabago sa apat na kilometrong Permanent Danger Zone at gawin na lamang itong strict protection zone (SPZ).

Ang mga SPZ ay mga lugar na isasara sa lahat ng human activity maliban lamang sa mga scientific studies, ceremonial at religious activities mula sa mga indigenous cultural communities/indigenous people.

Batay sa kasalukuyang datus mula sa Mt. Kanlaon Natural Park (MKNP), mayroong 60 kabahayan na kasalukuyang nasa loob ng PDZ.