CAGAYAN DE ORO CITY – Iminumungkahi ngayon ng Department of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa kanilang central office na ipatupad ang moratoriom sa lahat ng imported garbage na nagmula sa labas ng Pilipinas.
Ito ay mayroong kaugnayan sa sunod-sunod na pagkadiskubre ng imported waste materials na nagmula sa South Korea, Australia at Hongkong na lahat dumaong sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.
Ginawa ni DENR-EMB regional director Reynaldo Digamon ang pahayag kaugnay sa tuluyang pagpaalis ng electronic waste na inilagay sa 40-footer container van patungo sa Hong Kong na nagmula sa MCT kahapon ng umaga.
Sinabi ni Digamon na hangga’t hindi malinaw ang ibang panuntunan ng ahensiya at Bureau of Customs (BoC) partikular sa usapin ng mga basura mula sa Australia na dumaong sa pantalan ng lalawigan ay mambutihin nila na ipatupad ang moratorium.
Inihayag pa ng opisyal na reresolbahin din nila ang naka-pending na imported wastes mula sa ibang bansa na nakalagay sa mga pangunahing daungan sa bansa.