Patuloy din na nakamonitor at nakaantabay ang mga opisyal at personnels ng Department of Environment and Natural Resources para sa mga maaaring epekto ni Bagyong Nika sa mga rehiyon sa Hilagang bahagi ng Luzon partikular na ang Region 1,2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Paliwang ni DENR Usec. Juan Miguel Cuna, para malaman ang mga bahagi kung saan may mga banta ng landslide, kumukuha umano sila sa mga impormasyon mula sa 120hr forecast ng state weather bureau para agad na maipadala sa kanilang mga personnels sa mines and geo-sciences bureau upang mailatag sa kanilang geo hazard map ang mga lugar na nasa kritikal na sitwasyon.
Ang geomap hazard ay agad namang ipapadala sa mga local government units para makapaghanda ng mabuti ang mga ito na magsagawa ng kanilang mga operasyon.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang monitoring para sa mga maaari pang pagbabago sa galaw ng Bagyong Nika.