-- Advertisements --
image 95

Nakatakdang irepaso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng mga reclamation project bansa, kasunod ng isyu na kinakaharap ng Manila Bay reclamation project na umano’y kina-uugnayan ng isang Chinese firm.

Maalalang una nang naglabas ng pagkabahala ang Estados Unidos ukol sa ginagawang reklamasyon sa Manila bay dahil sa ang isang kumpanya na umano’y bahagi ng nasabing proyekto ay isang Chinese firm company na una nang na-blacklist mula sa US.

Ang nasabing kumpanya umano ang responsable sa mga itinayo ng pamahalaan ng China na mga istraktura sa West Phil Sea, kasama na ang pagbuo ng mga artipisyal na isla sa nasabing karagatan.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, isinasapinal na nila ang bubuo sa isang team na siyang magsasagawa ng review sa lahat ng mga reclamation activities.

Paliwanag ng kalihim, maaari nilang irepaso ang kontrata a baguhin ito, oras na makita nila ang pangangailangan.

Maliban sa Manila Bay, maging ang mga reclamation activities sa iba pang mga rehiyon ay pag-aaralan din ng nasabing ahensiya.

Ani Sec Loygaza, may sariling mga komposisyon ang isinasagawang reklamasyon sa bawat rehiyon sa bansa na nakabase sa pangangailangan nila.

Ang mga ito ay pag-aaralan din ng bubuuing team.

Ayon sa kalihim, bawat reclamation project ay inumpisahan nang hindi ikinukunsidera ang impact ng iba pang reklamasyon na ginagawa sa ibang bahagi ng bansa.

Kritikal na makita ito aniya, dahil sa magsisilbi rin itong basehan sa mga susunod na desisyon ng nasabing ahensiya ukol sa iba pang reclamation project.