Nagtayo ang Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region ng isang ‘Community PanTREE’ sa Ecology Center sa Quezon City.
Ito ay kaugnay sa pagsisimula ng Philippine Environment Month at bilang selebrasyon din ng World Environment Day ngayong buwan ng Hunyo.
Ang nasabing ‘Community PanTREE’ ay may layuning maitaguyod ang konsepto ng backyard gardening at urban greening sa mga komunidad partikular na ang mga barangay sa rehiyon.
Dito ay may mga libreng punla ng fruit-bearing trees gaya na lamang ng rambutan, lemon, langka at kalamansi na ipinamahagi ng libre sa mga kliyenteng pumunta at sa mga kawani ng kanilang tanggapan.
Bukod dito, nakatakda rin daw na magsagawa ng Community PanTree ang apat na Metropolitan Environment Offices sa North, East at South ng DENR-NCR sa mga piling brgy na kanilang nasasakupan habang may inihahanda rin ang nasabing ahensya ng iba pang mga aktibidad at mga hakbangin upang maitaguyod ang mga sustainable na kasanayan upang matugunan ang mga isyung pangkapaligiran at pangkalikasan.