Nagpahayag ng pakikiisa ang Department of Environment and Natural Resources- National Capital Region sa taunang pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Buwan ng Hunyo.
Ito ay batay sa nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino na Proklamasyon Blg. 237, na nagtatakda ng Hunyo bilang “Environment Month” sa Pilipinas.
Layunin nito na mapalawak pa ang kamalayan ng publiko hinggil sa pangangalaga at pagprotekta ng kapaligiran at mga likas yaman nito.
Ayon sa ahensya ang tema ngayon taon ay “Our Environment. Our Future.” na siyang hinango mula sa international theme para sa World Environment Day na “Our Land. Our Future. We are #GenerationRestoration.”
Dito ay binibigyang-diin ang pangangailangan para sa kolektibong responsibilidad at pagkilos ng mga Pilipino upang matiyak ang isang ligtas at maunlad mundo para sa mga susunod pang henerasyon sa ating bansa.
Habang patuloy naman ang panawagan ng DENR-National Capital Region sa publiko na makiisa at makibahagi rin sa layunin ng ahensya na magkaroon ng sustainable at resilient na hinaharap at gayundin ang mas malusog, mas maayos, at mas malinis na kapaligiran at likas yaman.