-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung magkano ang pondong ginastos ng pinuno nitong si kalihim Maria Antonia Yulo-Loyzaga, para sa 2023 travel expenses.

Kinuwestiyon kasi ni Sen. Raffy Tulfo ang mga foreign trip at travel expenses na si Yulo-Loyzaga, na binanggit ang kanyang mga source sa loob ng ahensya.

Ayon kay Tulfo, gumastos ang DENR ng P1.1 bilyon para sa mga foreign trip ng mga opisyal nito para sa 2023, habang P1.173 bilyon naman para sa foreign trips sa 2024.

Ngunit ayon sa DENR, saklaw ng 2023 travel budget ang lahat ng local at foreign travel ng mga sumusunod na opisina sa ilalim ng ahensya:

-DENR Central Office
-Office of the Secretary
-Office of the nine (9) Undersecretaries
-Office of the seven (7) Assistant Secretaries
-Office of ten (10) Service Directors and 33 Divisions
-Special Projects and other offices
-Biodiversity Management Bureau
-Ecosystems Research and Development Bureau
-Forest Management Bureau
-Land Management Bureau
-Regional Offices (16 in total)
-Provincial Environment and Natural Resources Offices (PENRO) (76 in total)
-Community Environment and Natural Resource Offices (CENRO) (146 in total)

Ito ay 0.002% ng kabuuang badyet sa paglalakbay ayon sa inaprubahang General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2023.

Iminungkahi ni Tulfo na sa halip na magkaroon ng foreign trips, dapat pagtuunan ng pansin ng DENR ang mga pangunahing programa tulad ng national greening program, na mayroong mahigit P2 bilyong budget kada taon.