-- Advertisements --

Tuluyan nang pinagbawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga batang 12-anyos pababa na bumisita sa dolomite beach sa Manila bay.

dolomite beach denr manila bay

Ayon sa DENR na kahit na sila ay natuwa dahil dinarayo na ang publiko ang dolomite ay dapat alalahanin na nasa Alert Level 3 pa rin ang Metro Manila.

Bilang suporta na rin sa panawagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ay bawal na ang mga bata na nasa nabanggit na edad epektibo Oktubre 25.

Dagdag pa ng DENR, isasara sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2021 bilang obserbasyon ng All Saint’s at All Soul’s Day.

Magugunitang pinuna ng Department of Health ang pagkumpulan ng mga tao sa dolomite beach dahil ito umano ay paglabag sa panuntunan ng IATF.