-- Advertisements --

Patuloy din ang gagawing pagbabantay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kalinisan ng ilang mga sikat na tourist destinations sa bansa ngayong Holy Week.

Sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones, na ang nasabing paraan ay para matiyak na hindi kontaminado ang mga tubig.

Bukod aniya sa mga paliligo ay babantayan din ng mga ito ang tamang pagtatapon ng mga basura.

Aminado kasi ang DENR na marami sa mga nagkakalat ay ‘yaong mga dayo lamang o bisita sa lugar dahil ang mga residente ay alam naman nila ang tamang pagtatapon ng basura.