Pinag-iingat ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang publiko dahil sa mga posibleng insidente ng landslide at pagbaha sa bansa.
Batay sa datos ng DENR – Mines and Geosciences Bureau, aabot sa 1,995 na mga barangay sa Pilipinas ang prone sa landslide at pagbaha.
Ito ay naitala sa CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Central Visayas at Western Visayas batay na rin sa datos na nakasaad sa geohazard maps.
Ayon sa DENR, nagbigay na sila ng abiso sa lahat ng mga LGU , Disaster Risk Reduction and Management Councils maging ang mga residente.
Nanawagan rin ito na magpatupad sila ng preemptive evacuation protocols.
Mas maigi rin na suriing mabuti ang mga lugar na nagkaroon ng landslide bago pabalikin ang mga residente sa kanilang mga tirahan.