-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagbabawal ng paggamit ng single-use plastics sa buong bansa.
Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu, kinukumpleto na nila ang nasabing laman ng kautusan na posibleng ilabas sa susunod na dalawang linggo.
Posibleng makasama rito ang pagtalakay sa pag-recycle ng mga plastics.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagiging pangatlo sa puwesto ang Pilipinas sa pinakamaraming sources ng plastic pollution sa mundo na mayroong 2.7 million metric tons ng plastic waste.