Ikinampaniya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagyakap sa puno bilang parte ng kanilang ‘Tree Hugging Campaign’ kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s day bukas, February 14.
Ayon sa ahensiya, lumalabas sa pag-aral na ang paglalaan ng oras sa mga puno ay nakakatulong na mapataas ang oxytocin levels, ang hormone para maging kalmado at emotional wellbeing.
Ipinaliwanag ng DENR Forest Management Bureau na ang pagyakap sa mga puno at paglalaan ng oras sa palibot ng mga puno ay nakakapagpababa ng blood pressure at heart rates, mapalakas ang immunity at mapababa ang stress at anxiety levels.
Ayon pa sa DENR, hindi kailangang maging partikular kung anong puno ang yayakapin dahil parehong benepisyo naman aniya ang naibibigay ng mga ito.
Binigyang diin din ng ahensiya na mahalaga ang mga puno sa ating personal well-being gayundin para mapanatili ang isang malusog na kapaligiran.