-- Advertisements --
image 113

Nakatakdang makipagpulong si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga sa mga opisyal ng Oriental Mindoro.

Kasama sa pulong sina Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at ilang miyembro ng DENR Task Force kabilang si Undersecretary Jonas Leones.

Ito ay para tutukan ang mga lugar na naapektuhan ng oil spill.

Bumisita rin ang kalihin sa Barangay Calima sa Pola na naapektuhan din ng oil spill.

Una rito, sinabi ng DENR na magde-deploy ito ng remotely-operated vehicle (ROV) para maberipika ang posibleng lokasyon ng lumubog na MT Princess Empress.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DENR na magpapatuloy pa rin ang interventions nito gaya ng clean up drive para mapigilan ang tuluyang paglawak ng epekto ng oil spill sa karagatan.