-- Advertisements --
DENR YULO LOYZAGA

Personal na binisita ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang bahagi ng Oriental Mindoro upang alamin kung gaano kalawak ang oil spillage sa karagataan ng Naujan.

Ito ay matapos na iulat ng Philippine Coast Guard na patuloy na lumalawak at may halo nang industrial fuel oil ang nasabing karagatan nang dahil sa paglubog ng MT Princess Empress na may kargang 800,000 metric tons na langis.

Sa isang pahayag ay sinabi ng kalihim na patuloy ang ginagawang pagdodoble kayod kanilang kagawaran katuwang ang Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang pigilan ang paglawak ng oil spill sa marine ecosystem sa lugar.

Ang DENR aniya ang tumututok ngayon sa coastal clean-up at containment efforts, habang ang DENR at BFAR naman ang nagsasagawa ng marine response sa naturang lugar.

Bukod dito ay inatasan na rin niya ang dive team ng ahensya na magsagawa ng rapid assessment sa coastal marine habitat tulad ng bahura, bakawan, at mga lamang dagat.

Habang kasabay nito ay iniulat din ni Loyzaga na nakikipag-ugnayan na sila sa mga private sector at ilang marine scientist para sa karagdagang assessment sa nasabing baybayin.