-- Advertisements --
Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na dapat gumawa ng hakbang ang bawat isa para matulungang muling sumigla ang kalikasan.
Ito naging mensahe niya sa pagdiriwang ng Earth Day 2020 ngayong araw.
Sinabi nito na nagdulot ng pagkasira sa kalikasan ang climate change at ang nararanasang coronavirus pandemic.
Ilan aniya sa naging magandang epekto ng lockdown ay bahagyang nakahinga ang kalikasan mula sa polusyon.
Ngayon taon ang ika-50 taon ng Earth Day na ang tema ay “Earth Day is climate action as it is “the most pressing topic”.