-- Advertisements --

Nagkakaroon na ng koordinasyon ngayon sa mga Dam operators ang National Irrigation Administration (NIA), pati na rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa preemptive spilling na kailangan gawin bilang paghahanda sa malakas na pag-ulan.

Ayon kay DENR Sec. Maria Antonia “Toni” Jugo Yulo-Loyzaga, ito ay para unti-unting mailabas ang tubig sa mga dam para kung sakali na tumama sa dam ang malakas na pag-ulan ay hindi na kailangan mag emergency spillage.

Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni DENR Sec. Maria Antonia “Toni” Jugo Yulo-Loyzaga

Samantala, sinabi ni DOST Director Nathaniel Sevando, na ang kritikal ngayon ay ang Magat dam sa may Northern Luzon, Cagayan Isabela area dahil kinakailangan nalang nito ng nasa 77 millimeters ng ulan para maabot ang normal high level.

Pati na rin ang San Roque dam, o ang dam na sumasalo ng cascading dams na Binga at Ambuklao, ang kinakailangan lang nito ay 85.7 millimeters ng tubig ulan para maabot ang normal high level.

Ayon pa kay Dir. Sevando, dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan, nagbibigay na ang Department of Science and Technology (DOST) ng estimated forecast rainfall na maaaring bumagsak sa mga catchment basin ng mga dam at ipinapaabot na nila sa mga dam operators para gumawa ng tamang hakbang gaya ng unti-unting pagpapakawala ng tubig.

Narito at pakinggan pa natin ang bahagi ng pahayag ni Director Nathaniel Sevando