-- Advertisements --
Handa si Interior Undersecretary Epimaco Densing III na magbitiw sa puwesto sa oras na matuloy ang reclamation projects sa Manila Bay.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Densing na hindi dapat magpadala sa kasakiman ang mga local government units at private sectors para ikompromiso ang rehabilitasyon na ginagawa sa Manila Bay.
Kasabay nito ay iginiit niyang hindi siya natatakot na makipagbanggaan sa mga negosyante dahil sa kanyang pagtutol sa planong reclamation na gagawin sa lugar.
Kampante rin daw siya na posible pang ma-rehabilitate ang Manila Bay, katulad na lamang ng resulta sa anim na buwang shutdown na ginawa sa Boracay noong nakaraang taon.